Bakla Bakla paano ka Ginawa
Bawat isa sa atin na mga indibidwal ay may kanykanyang pagkakakilanlan sa kung saan ay masasabing tunay na kakaiba sa lahat
Sa isang bayan nakatira ang isang pamilya na may anak na isang lalakeng naiiba sa lahat iba manamit iba kumilos at iba ang kanyang nagugustuhan kumpara sa ibang mga lalake bata palamang si Mikoy o mas kilala bilang si Mimi namulat na siya ay kakaiba sa lahat ng kanyang mga kalaro lumaking walang tumayong ama si mimi ngunit siya ay may pangalwang ama na kakaiba din si dennise o mas kilalang dhen dhen ang naging pangalawang ama niya
Alam ng kanyang mga magulang na si Mimi ay hindi lalake itoy tanggap nila at mas lalonilang pinalaking magalang at mabait . Tuwing pagsapit ng sabado si Mimi ay tumutulong sa kanyang ina na mag tinda at tumutulong din siya sa gawaing bahay at pag nasa bahay lang si mimi nakikipag laro ito sa mga pinsang babae sila ay nag lalaro ng bahay bahayan at iba pang larong pang babae nung una ay ayaw ito ng lolo ni mimi gusto ng lolo niya ay maging lalake si mimi at maging isang pulis balang araw
Tuwing pumapasok si mimi sa kanilang paaralan ay palagi siyang kinukutya ng mga kamag aral lagi siyang inanapi at sinasabihang “bakla, salot ka sa lipunan, bakit papa mo tomboy? Bakla bakla paano ka ginawa” siya ay yumuyuko na lamang at tilabang walang naririnig na pangungutya tuwing gabi siya ay nag darasal at titatanong sa sarili na bakit siya pa. Bakit siya pa ang nakakaranas nitong hindi matapos tapos na sakit at pag hihirap na nararanasan niya. Nakatapos ng Elementarya si Mimi na nakakuha ng Medalya at itoy binigay sa kanyang tomboy na papa at sa kanyang ina umiyak si Mimi at nag pasalamat sa kanyang mga magulang dahil tinggap nila si Mimi ng buong buo kahit itoy isang bakla.
Nakatung tong si Mimi sa High School at hindi niya inaasahan na mas mahirap pala sa lugar na ito walang makausap si mimi at walang mga naging kaibigan halos hindi siya makakain dahil sa bawat pag lakad ni mimi ay may mga taong humuhusga sa kanya. Mas marami ang kumukutya sa kanya na tila bang walang katapusan ngunit alam ni Mimi na malalampasan niya rin ito. isang araw sa kanilang paaralan nalaman niyang may magaganap na audition para sa mga mananayaw nung una ayaw niyang sumali at baka hindi siya matanggap dahil sa kanyang kasarian. Kaya naman agad niya itong sinabi sa kanyang ina na gusto niyang sunali ngunit siya ay takot at ang sabi ng kanyang ina ay wag kang matakot anak Go lang ng Go andito lang kami ng iyong ama para suportahan ka.
Sumali si mimi at nataggap bilang mananayaw ng kanilang paaralan dito niya nakilala ang mga kaibigang katulad niyang iba ang kasarian. Natuwa si mimi dahila may mga kaibigan na siyang katulad niya na kakaiba dito rin iya nakilala ang isang Guro na isa ring bakla na sa tuwing si mimi ay may problema sinasabi niya ito na maging matapang sa anomang pagsubok sa buhay. Kaya naman si mimi ay mas naging confident sa sarili at hindi na nag papaapekto sa mga pangungutya sa kanya naging masiyahin na si mimi at nakapag bibigay aliw sa kanyang mga kaibigan
At sa kanyang pagsisikap at tulong ng mga pamilya at kaibigan nakapag tapos si mimi ng high school at ngyon ay isa nang collage student si mimi sa isang Unibersidad siya ay kasali parin sa grupo ng mananayaw at marami naring naging kaibigan dito niya napagisip na kahit anong mangyari may mga tao paring gagabay kay Mimi at tatanggapin siya kahit sino pa siya
Si mimi ay sisipag sa kanyang pag aaral para ipakita sa mga tao na hindi hadlang ang kasarian para makamit ang mga pangarap
Si mimi ay sisipag sa kanyang pag aaral para ipakita sa mga tao na hindi hadlang ang kasarian para makamit ang mga pangarap
No comments:
Post a Comment